Niyanig ng magnitude 3 na lindol ang Leyte, Sabado ng umaga.
Batay sa inilabas na impormasyon ng Phivolcs, tumama ang lindol sa layong 2 kilometers South ng Capoocan dakong 10:26 ng umaga.
Tectonic ang pinagmulan ng lindol na may lalim na 6 kilometers.
Bunsod nito, naitala ang Intensity I sa Catbalogan City.
Wala namang napaulat na nasirang ari-arian.
Wala ring inaasahang aftershocks matapos ang pagyanig.
MOST READ
LATEST STORIES