Thunderstorm advisory, itinaas sa apat na lalawigan

Credit: PAGASA

Itinaas ang thunderstorm advisory ng PAGASA sa lalawigan ng Bulacan, Pampanga, Nueva Ecija at Tarlac ngayong araw ng Sabado, July 7.

Batay sa abiso ng weather bureau, inaasahan ang malakas na buhos ng ulan na may kasamang kidlat at bugso ng hangin sa dalawang lalawigan sa susunod na dalawang oras bunsod ng thunderstorms.

Maliban dito, posible ring maranasan ang sama ng panahon sa Metro Manila partikular sa Quezon City, Maynila, Muntinlupa at Las Piñas; Quezon sa Tayabas, GenNakar, Lucban, Lucena City, Dolores at Infantra,; Batangas sa Agoncillo, Lemery, Ibaan, Calatagan Balayan at Laurel,; Bataan sa Mariveles Bagac at Morong,; Cavite sa Maragondon, Mendez, Alfonso, Cavite City, Bacoor, Imus at Noveleta; Laguna sa Rizal Nagcarlan, Majayjay at San Pedro; Zambales sa Olongapo at Subic,; at sa Hagonoy, Bulacan.

Inabisuhan naman ang mga residente sa mga apektadong lugar sa posibleng pagbaha at landslides.

Read more...