UK leaders, inendorso na ang Brexit trade plan

AP photo

Inabot ng mahigit 12 oras ang isinagawang pagpupulong ng mga opisyal ng British government sa pamumuno ni British Prime Minister Theresa May para sa Brexit Trade Plan.

Matapos ang pulong, inanusyo ni Prime Minister May na nagkasundo na ang kaniyang gabinete para sa magiging trade deal proposal ng United Kingdom (UK) sa European Union (EU).

Kasunod nito, sinabi naman si EU chief negotiator Michel Barnier na pag-aaralan nila ang proposal ng UK kung magagawa at realistic ba ito.

Layon ng nasabing proposal na magkaroon ng free-trade zone para sa mga kalakal na malaking bahagi ng ekonomiya ng Britain.

Isa sa mga issue na kinakaharap ng Brexit ang pagnanais ng UK government na itigil na ang free movement ng EU citizens sa United Kingdom.

Samantala, mabilisan namang isinaayos ng UK ang mga panukalang dahil siyam na buwan na lamang ang natitira bago tuluyang humiwalay ang kanilang bansa sa EU.

Read more...