Umabot na sa 26 ang bilang ng nasawi sa pananalasa ng bagyong Lando sa iba’t-ibang bahagi ng Luzon.
Sa pinakahuling datos ng National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) pito sa mga nasawi ay mula sa Pangasinan, tigda-dalawa sa Nueva Vizcaya, Zambales, Nueva Ecija, Benguet, Ifugao, Baguio, at Metro Manila; at tig-iisa sa Cagayan, Tarlac, Aurora, Abra, at Laguna.
Kinilala ang mga nasawi na sina:
* John Kirby Capena – 1 month, nabagsakan ng puno ang kanilang bahay sa Bolinao Pangasinan.
* Mauro Neurong – 75 y.o, nabagsakan ng puno ang bahay sa Magatarem, Pangasinan.
* Cristina Veloria – 58 y.o,Sixto Veloria – 59 y.o, Susana Cabana – 3 y.o, at Trishia Cabana – 1 y.o, na pawang nalunod sa Bani, Pangasinan.
* Paula Taoata – 89 y.o, nalunod sa Mabini, Pangasinan.
* Renai Vitex Tuliao – 6 y.o, nahulog sa creek sa Bambang, Nueva Vizcaya.
* Danilo Corpuz – 24 y.o, nalunod sa Aurora, Nueva Vizcaya.
* Jason Cusipag – 21 y.o, nakuryente sa Peñablanca Cagayan.
* Benita Famanilay – 62 y.o, nagtamo ng head injury dahil sa gumuhong pader sa Subic, Zambales.
* Evangeline Mas – 56 y.o, nabagsakan ng gumuhong pader ng bahay sa Sta. Cruz, Zambales.
* Violeta Magbalot – 57 y.o, nasawi matapos makuryente sa Moncada, Tarlac.
* Pedro Tuares – 65 y.o, nalunod at Mario Abesamis – 58 y.o, nalunod sa General Tinio, Nueva Ecija.
* Armando de Leon – 26 y.o, nabagsakan ng debris, sa Dinalungan, Aurora.
* Fernando Laso Gumpad – 57 y.o, natabunan ng landslide sa Bakun, Benguet.
* Norton Aniceto Jose – 26 y.o, inanod ng tubig sa Baguias, Benguet.
* Antonio Pallay – 61 y.o, at Reginaldo Basillo – 38 y.o, kapwa inatake sa puso matapos ang pagguho ng lupa sa Tinoc, Ifugao.
* Ryan Biglay – 23 y.o, inanod ng tubig sa Tineg, Abra.
* Dianne Tucay – 9 y.o at Vanessa Tucay – 6 y.o, kapwa biktima ng landslide sa Quezon Hill, Baguio City.
* Ronnel Adams Castillo – 14 y.o, at Ma. Esperanza Palparan – 46 y.o, nabagsakan ng puno sa Quezon City.
* Nestor San Luis – 60 y.o, nalunod sa Mabitac, Laguna.
Sa datos ng NDRRMC, umabot sa 194,388 ang bilang ng mga pamilyang naapektuhan ng bagyo mula sa Regions 1, 2, 3, 4A, V, NCR, at Cordillera Administrative Region.