Duterte, magbibitiw sa pwesto kapag may nagpatunay na mayroong Christian God

Magbibitiw umano sa pwesto si Pangulong Rodrigo Duterte sa isang kondisyon, ito ay kung may magpapatunay na buhay at mayroon talagang Diyos ang mga Kristiyano.

Ayon sa pangulo, kailangan niya lamang ng isang tao na magsasabi sa kanyang nakapunta ito sa langit at nagawang makausap ang Diyos.

Sa kanyang talumpati sa selebrasyon ng National Science and Technology Week sa Davao City, hinamon ng pangulo ang sinumang papatol sa kanyang hamon na magpakita sa kanya ng ‘selfie’ kasama ang Diyos.

“Magdala kayo dito ng one, only one, kailangan ko isa lang. Sabihin niya, Mayor, utos kasi ng mga ugok diyan sa Simbahan na pumunta ako ng langit kausapin ko ang Diyos. Meron talaga po. Ito may picture kami, nagdala ako ng selfie” ani Duterte.

Giit ng pangulo, bilyong tao na ang nagdaan sa mundo at kung may isang makapagpapatunay na ‘existing’ nga ang Diyos ng mga Kristiyano ay agad siyang magbibitiw sa pwesto.

Gayunman, sinabi ng pangulo na siya na hindi siya isang ‘agnostic’ o ‘atheist’.

Naniniwala anya siya na mayroong isang ‘supreme being’ na kumokontrol sa buong kalawakan.

“I never said I do not believe in God. I’m not agnostic and I’m not an atheist. I just happen to be a human being believing in that there’s a universal mind somewhere that controls the universe,” ayon sa pangulo.

Read more...