Ayon sa pulisya, karamihan sa mga nasagip ay nagmula sa Visayas at Mindanao na pinangakuan ng trabaho abroad partikular sa Saudi Arabia at Jordan.
Nagsimula ang operasyon ng MPD matapos makatakas ang apat sa mga biktima na pawang ikinulong.
Anila, ikinulong sila sa isang bahay ng apat na buwan at hindi pinayagang makalabas taliwas sa pangakong trabaho sa labas ng bansa.
Bagaman nasagip ang mga biktima na ngayon ay nasa kustodiya na ng Manila Social Welfare Department ay walang namang natimbog na illegal recruiter.
Hinuli naman ng mga awtoridad ang caretaker ng bahay kung saan ikinulong ang mga biktima.