Magkakasunod na aksidente naitala ng MMDA sa EDSA

Ilang aksidente ang iniulat ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) na asahang maging dahilan ng pagka-ipit sa trapik ng mga pauwi Biyernes ng gabi.

Sa Twitter alert dakong alas 5:00 ng hapon, iniulat ng MMDA ang aksidente sa northbound lane ng EDSA-FB Harrison na kinasasangkutan ng kotse, AUV at trak.

Alas 5:38 ng hapon naman ay may aksidente sa EDSA-Guadalupe northbound sa pagitan ng dalawang bus at okupado ang isang lane.

Habang sa EDSA Central northbound, naaksidente ang isang bus alas 5:29 pm ang isang lane ang hindi madaanan.

Nasundan pa ito ng isa pang aksidente sangkot ang dalawang bus sa EDSA Guadalupe Northbound alas 5:38 ng hapon.

Isa pang aksidente ang namonitor sa EDSA-Magallanes northbound na kinasasangkutan ng SUV at kotse bandang 5:41 ng hapon. Hindi umano madaanan ang 2 lanes dahil sa insidente.

Alas 5:58 naman ng gabi, iniulat ng MMDA na isang bus ang nagkaroon ng problema at tumirik sa EDSA Monte de Piedad Southbound.

Maliban sa EDSA, nakapagtala din ang MMDA ng aksidente sa iba pang mga lansangan. Sa Elliptical Road sa bahagi ng NHA Eastbound, dalawang jeep ang nagkabanggaan alas 6:00 ng gabi.

Alas 6:06 naman ng gabi nang magkaroon din ng aksidente sa C5 UP Town Center Katipunan Southbound sangkot ang isang van at kotse.

 

Read more...