Thunderstorm advisory nakataas sa 4 na lalawigan

Credit: PAGASA

Nagpalabas ng thunderstorm advisory ang PAGASA sa apat na lalawigan na kalapit ng Metro Manila.

Ayon sa abiso ng PAGASA, alas 6:25 ng gabi, moderate hanggang heavy na pag-ulan ang nararanasan sa Paete at Kalayaan sa Laguna; Rodriguez, San Mateo, at Antipolo sa Rizal; San Juan, Rosario, at Padre Garcia sa Batangas; at sa Mauban at Real sa Quezon.

Pinayuhan ng PAGASA ang mga residente sa nabanggit na mga lugar na maging maingat sa posibleng pagbaha at landslides.

 

Read more...