Malakanyang nanindigang walang interest si Pang. Duterte sa sa term extension

Iginiit ng Malakanyang na walang balak si Pangulong Rodrigo Duterte na manatili sa posisyon pagkatapos ng kanyang termino sa 2022.

Ginawa ni Presidential spokesman Harry Roque ang pahayag kasunod ng pag-amin ng consultative committee (ConCom) na hindi pinagbabawal sa draft federal constitution ang muling pagtakbo ni Pangulong Duterte.

Base sa draft constitution para sa federal government, lahat ng mga opisyal mula mayor hanggang pangulo ay may apat na taong termino at isang pagkakataon para sa reelection.

Sinabi ni Roque na ilang ulit na sinabi ni pangulo na handa itong bumaba sa puwesto oras na ipatupad ang federal government sa 2020.

Ang nasabing draft ay inaasahang ibibigay ng concom kay pangulo sa Lunes, July 9.

Read more...