Thunderstorm advisory nakataas sa Metro Manila at mga kalapit na lalawigan

Nagpalabas ng thunderstorm advisory ang PAGASA sa Metro Manila at mga kalapit na lalawigan.

Ayon sa abiso ng PAGASA, alas 5:15 ng hapon, moderate hanggang heavy na pag-ulan ang nararanasan sa Pañaque at Las Piñas City; Dasmariñas sa Cavite; Alaminos, San Pablo, at Paete sa Laguna; Lipa, Ibaan, P. Garcia, Taysan, at Rosario sa Batangas; Gen. Nakar sa Quezon; Doña Remedios sa Bulacan at Gen. Tinio sa Nueva Ecija.

Pinayuhan ng PAGASA ang mga residente sa nabanggit na mga lugar na maging maingat sa posibleng pagbaha at landslides.

 

Read more...