Educational cash assistance fund ng DSWD ubos na

Inquirer file photo

Itinigil na ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) ang pagbibigay ng educational cash-assistance dahil ubos na ang pondo para sa programa.

Sinabi ni Secretary Virginia Orogo, nasaid na ang pondo para sa Assistance to Individuals in Crisis Situation (AICS) at aniya hindi naman nila maaring galawin ang pondo para sa pagbibigay tulong nila sa pagpapalibing at pagpapagamot.

Aniya kailangan pa nilang mag-request ng pondo para sa naturang programa.

Kasabay nito, hinihikayat ni Orogo ang mga nanghihingi ng tulong-pinansiyal para sa edukasyon na lumapit sa kanilang mga lokal na opisyal.

Paliwanag pa nito, pumapasok lang sa eksena ang DSWD kapag nasagad na ang pagbibigay tulong ng mga lokal na pamahalaan sa mga nangangailangan.

Sa limang araw noong nakaraang buwan higit P8.8 milyon ang nailabas ng DSWD Central.

Read more...