PNP kinokonsulta na ang mga abogado sa hirit na makapagdaos si De Lima ng committee hearings

Nakikipag-usap na ang Philippine National Police sa kanilang abogado para sa kahilingan ni Senate President Tito Sotto na payagan si Senator Leila De Lima na makapagdaos ng committee hearings sa PNP Custodial Center.

Ayon kay PNP spokesperson Senior Superintendent Benigno Durana Jr., natanggap nila ang liham ni Sotto at patuloy ang konsultasyon nila sa PNP lawyers tungkol dito.

Nauunawaan naman aniya ng PNP ang pangangailangan na matalakay na ang mga nakabinbing measures sa komite ni De Lima pero may mga kailangan din aniyang ikunsidera bago payagan ang kahilingan.

Kabilang dito ang security implications sa sandaling isagawa ang committee hearings sa Custodial Center.

Sa liham sa PNP, sinabi ni Sotto na dapat payagan na makapagdaos ng pagdinig si De Lima habang nasa kostodiya ng PNP para matalakay na ang mga nakabinbin sa kaniyang hinahawakang komite.

Si De Lima ang chairman ng Senate Committee on Social Justice, Welfare and Rural Development.

Read more...