‘Strip search’ sa Makati City Police sisiyasatin ng CHR

Makati City Police | photo via ebtenorio.wordpress.com

Iimbestigahan ng Commission on Human Rights (CHR) ang posibleng paglabag sa Anti-Torture Law ng mga pulis-Makati na isinasangkot sa pagpapahubad sa isang babaeng drug suspect.

Kasunod ito ng pagbuo ng CHR ng sariling Quick Response Team na layon alamin ang sinasabing pang-aabuso ng mga sangkot na pulis.

Giit ni Gana lubhang nakakabahala ang insidente partikular ng mga alagad ng batas ang sangkot at may umiral ng batas laban sa tortyur sa bansa.

Hinihikayat nito ang PNP na maging tapat sa pag-iimbestiga sa iskandalo sa paniniwalang higit pa sa suspensyon ang dapat kaharapin ng mga sangkot na pulis.

 

Read more...