Tatlong NPA patay sa engkwentro sa North Cotabato

Patay ang tatlong miyembro ng New People’s Army (NPA) sa sagupaan na naganap sa bayan ng Magpet sa North Cotabato.

Ayon kay Senior Inspector Jose Marie Molina, hepe ng Magpet police station, nagkaroon ng engkwentro sa Don Panaca alas 6:46 ng umaga ng Biyernes, July 6.

Kinumpirma ni Molina ang ulat ng 19th Infantry Battalion ng Philippine Army na tatlong katawan ng nasawing NPA members ang narekober sa bakbakan.

May nakuha rin ang mga otoridad na isang M16 armalite rifle, mga dokumento at iba pang gamit ng mga rebelde.

 

Read more...