P1 dagdag singil sa pasahe epektibo na

INQUIRER FILE PHOTO

Nagpalabas na ng written order ang Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) para sa pisong dagdag singil sa pamasahe sa mga jeep.

Ang kautusan ay pumapabor sa hirit ng mga transport group na P1 provisional fare increase para sa unang apat na kilometrong biyahe ng mga jeep sa NCR, Region 3 at Region 4.

Magreresulta ito sa P9 na minimum fare sa mga jeep.

Ang kautusan ng LTFRB ay nilagdaan nina LTFRB Chairman Martin Delgra III, Board Member Ronaldo Corpus at Executive Dir. Samuel Jardin.

Effective immediately ang utos na mangangahulugang maari nang maningil ng P9 na minimum fare ang mga tsuper ng jeep.

Ang iba pang rehiyon na walang nakabinbin na petisyon para sa fare increase ay hindi dapat magpatupad ng fare adjustment.

Pinaalalahanan din ng LTFRB ang mga driver ng jeep na panatilihin ang pagbibigay ng diskwento sa mga senior citizen, PWD at estudyante.

 

Read more...