Meralco may dagdag singil ngayong buwan

Magtataas sa singil ng kuryente ang Meralco ngayong buwan ng Hulyo.

Ayon sa Meralco, tataas ng 31 centavos kada kilowatt hour ang bill para sa July dahil sa pagtaas ng kuryente sa spot market at suppliers.

Nakaapekto din sa presyo ang paghina ng piso kontra dolyar.

Ang naturang taas-singil ng Meralco ay katumbas ng P62.60 na dagdag sa mga kumokonsumo ng 200 kilowatt hour kada buwan.

P93.90 na dagdag kung ang konsumo ay 300 kilowatt hour kada buwan.

P125.20 na dagdag kung ang konsumo naman ay 400 kilowatt hour kada buwan.

At P156.20 na dagdag para sa mga kumokonsumo ng 400 kilowatt hour kada buwan.

Read more...