Top drug pusher sa Lucena patay sa engkwentro

Patay number 1 drug pusher sa Lucena City makaraang mauwi sa engkwentro ang buy-bust na ikinasa sa isang drug den sa lungsod.

Ayon kay Senior Supt. Osmundo de Guzman, Quezon police provincial director ang suspek ay kinilalang si Fernando “Jepoy” Ibañez, na nasa drug watch list ng pulisya.

Sa ulat ni Lucena police chief Supt. Romulo Abacea, nagsagawa ng buy-bust ang mga pulis matapos ang ulat na ginagawang drug den ang isang bahay sa Purok Bagong Buhay sa Barangay Cotta.

Pinaputukan umano ni Ibañez ang mga pulis kaya nauwi sa engkwentro ang operasyon na ikinasawi ng suspek.

Inaresto naman ang kasamahan ni Ibañez na sina Jefferson Vergara at Rherey Reynoso na naaktuhang nare-repack ng shabu at ang pito pa na pawang gumagamit ng ilegal na droga sa sinalakay na lugar na kinilalang sina Czel Delantar, Randy Mercado, Jonathan del Fierro, Alfred Habitan, Jaypee Habitan, Jorence Penilla at Jennylyn Umbrete.

Nakuha mula sa kanila ang 11 plastic sachets ng shabu at mga drug paraphernalia.

 

Read more...