Sa nakatakdang pagtatapos ng kanyang termino, ay may hiling si Conchita Carpio-Morales sa susunod na Ombudsman, at ito ay ang maipagpatuloy ang mga repormang kanyang nasimulan.
Sa kanyang talumpati sa isang forum na inorganisa ng Philippine Center for Journalism (PCIJ) sa Pasig City, ipinagmalaki ni Morales ang mga nagawa ng kanyang tanggapan sa ilalim ng kanyang pamumuno.
Ayon kay Morales, mataas ang naging conviction rate para sa mga kasong inihain ng kanyang opisina sa mga dati at kasalukuyang opisyal ng gobyerno sa Sandiganbayan.
Anya mula sa 41 percent na conviction rate noong 2011 ay pumalo ito sa 75 percent at 68 percent sa mga taong 2015 at 2016.
81 percent naman ang conviction rate para sa unang bahagi ng taong ito ayon kay Morales.
Ipinagmalaki rin ng Ombudsman ang mababang backlog ng mga kaso sa na iniimbesitigahan sa kanyang termino.
Mula taong 2011 kung saan naipasa pa sa kanya ang 19,000 kaso ay naibaba ito sa 6,000 sa huling bahagi ng 2017 ayon kay Morales.
Samantala, sa kanyang pamumuno ay naipamalas din ang ‘transparency’ sa serbisyo publiko sa pamamagitan ng pagpapasinaya sa online filing ng statements of assets, liabilities and net worth o SALN.
Unaasa ang Ombudsman na maipagpapatuloy ng susunod sa kanya ang kanyang nagawang mga reporma.