Naaalarma ang Department of Health (DOH) sa paglobo ng kaso ng leptospirosis sa Cordillera Administrative Region (CAR).
Naitala na ang 28 kaso ng sakit mula Enero hanggang Hunyo ngayon na mas mataas ng 40 porsyento kumpara sa 20 kaso na naitala sa kaparehong panahon noong 2017.
Ayon kay DOH-Cordillera Regional Epidemiology Surveillance Unit (RESU) nurse Geeny Austria, pitong kaso o 25% ng kabuuang bilang ang naitala sa Benguet; lima sa lalawigan ng Kalinga; ang Apayao at Ifugao ay may tig-tatlo; habang ang Baguio at Mountain Province naman ay may tig-isa.
Samantala, ang natitirang walong kaso naman na 28.6 percent ng kabuuang bilang ay hindi mga residente ng Cordillera provinces ngunit nagpagamot sa mga ospital ng rehiyon.
Sa 28 may leptospirosis ay 22 ang lalaki na karamihan ay construction workers.
Dahil dito muling nagpaalala ang DOH-Cordillera lalo na sa mga magulang na tiyaking hindi hahayaang lumusong sa tubig ang kanilang mga anak na maaaring kontaminado ng tubig.