Pakistani national patay matapos tambangan sa Cotabato

Patay sa pananambang ang isang Pakistani sa Carmen, Cotabato.

Kinilala ang biktima na si Hazrat Hussain na kolektor ng mga pautang sa Tabuk, Zamboanga City.

Ayon kay Inspector April Lou Monserate Palma, ipinarada ni Hussain ang kanyang motorbike sa tapat ng isang tindahan sa kahabaan ng Sayre National Highway.

Dito na pinagbabaril ng dalawang suspek si Hussain bago mag-alas-10:00 ng umaga.

Sinabi ni Palma na tila ang motorbike lamang ng biktima ang pakay ng mga suspek dahil ito lamang ang tinangay nila at hindi na kinuha ang perang nakolekta nito.

Read more...