Natapos ang kanilang laro sa iskor na 25-20, 25-16, at 25-20 lahat pabor sa Cargo Movers.
Dahil dito, wala pang talo ang koponan na mayroong win-loss record na 2-0 habang 2-1 naman ang hawak ngayon ng Life Savers.
Ayon sa head coach ng F2 na si Ramil De Jesus, malaki ang naitulong ng kanilang paglaban kamakailan sa Thailand para sa Sealect Tuna Invitational Championship, kung saan umabot sila hanggang semifinals.
Aniya, bagam hindi sila nanalo sa naturang torneo ay naranasan ng mga manlalaro ng Cargo Movers ang mataas na lebel ng kumpetisyon na kanilang ginagamit ngayon sa kanilang mga laban.
Pinangunahan ni Ara Galang ang koponan matapos niyang makapagbigay ng 9 puntos.
9 na puntos rin ang ibinigay ni Patty Orendain para sa Generika-Ayala.