Malacañan kay Morales: ‘Patunayan mo na honest ka”

Binuweltahan ng Palasyo ng Malacañan ng isang hamon ang naging hamon ni Ombudsman Conchita Carpio Morales sa Pangulong Rodrigo Duterte na isa siyang corrupt na opisyal.

Ayon kay Presidential Spokesman Harry Roque, dapat patunayan ni Morales na siya ay honest o tapat.

Una rito, sinabi ng pangulo double standard si Morales dahil sa pagpili lamang ng mga opisyal ng pamahalaan na kinasuhan kaugnay pork barrel scam.

Kaya hamon ni Morales sa pangulo, patunayan ang alegasyon na isa siyang corrupt na opisyal.

Read more...