Buy bust nauwi sa engkwentro sa Bulacan

Nasawi ang isang drug suspek matapos manlaban sa mga otoridad sa Barangay Taal sa Bocaue, Bulacan.

Kinilala lamang ang nasawing suspek sa alyas na Erwin, habang ang kanyang hindi nakilalang kasamahan ay nakatakas.

Ayon sa Bocaue Police, alas-2 ng madaling araw ng Biyernes nang magkasa sila ng drug buy bust operation laban kay alyas Erwin.

Sa kalagitnaan ng transaksyon ay nakatunog ang suspek na pulis pala ang kanyang kausap.

Kaagad itong bumunot ng baril at pinaputukan ang mga otoridad, dahilan upang gumanti ng putok ang mga pulis na nagresulta sa kanyang agarang pagkamatay.

Sa kalagitnaan ng putukan ay ginamit ng kasama ng suspek ang oportunidad upang tumakas.

Narekober mula kay alyas Erwin ang isang kalibre 38 revolver na kargado ng mga bala at 6 na piraso ng plastic sachet na naglalaman ng hinihinalang shabu.

Patuloy namang tinutugis ng mga otoridad ang nakatakas nitong kasamahan.

Read more...