PAGASA: Pilipinas, masasaksihan ang total lunar eclipse sa July 28

AP

Isang total lunar eclipse ang magaganap sa July 28, araw ng Sabado na masasaksihan ng mga Filipino ayon sa PAGASA.

Bukod sa Pilipinas, makikita rin ang eclipse sa Antarctica, Asia, Australasia, Russia bukod sa hilagang bahagi nito, Africa, Europa at Silangang bahagi ng South America.

Ayon sa PAGASA, magaganap ang eclipse 1:13 ng madaling araw hanggang alas-7:30 ng umaga oras sa Pilipinas.

Ang pinakamagandang bahagi ng eclipse ay mapapanood alas-4:21 ng madaling araw.

Sisikat ang buwan sa bansa sa 6:05 ng gabi ng Biyernes, July 27 at 5:44 ng umaga araw ng Sabado.

Ayon sa weather bureau, hindi na kailangan ng mga tao ng proteksyon sa mata para masilayan ang eclipse dahil ligtas itong panoorin.

Read more...