Mga poachers nilapa ng leon sa South Africa

AP

Tatlong poachers ang posibleng nasawi matapos lapain ng mga leon sa isang South African game reserve sa Eastern Cape.

Ayon sa may-ari ng Sibuya Game Reserve na si Nick Fox, napansin ng isa sa kanilang rangers ang mga human remains malapit sa grupo ng mga leon.

Bukod pa ito sa nakitang palakol, at tatlong pares ng sapatos at gloves na narekober ng mga pulis at anti-poaching unit.

Napansin pa ni Fox na nagkakagulo ang mga leon madaling araw ng Lunes.

Aniya, posibleng mga poacher ng rhinoceros ang mga nasawi dahil sa nakitang palakol. Ginagamit kasi aniya ito upang tabasin ang sungay ng mga rhino.

Read more...