49 pasahero ng bangka nawawala matapos tumaob sa Thailand

AP

Inaayudahan na ang nasa 48 mga pasahero ng isang bangka matapos silang ma-rescue sa Andaman Sea sa Thailand.

49 na iba pang mga pasahero na pawang mga Chinese nationals naman ang kasalukuyan pa ring nawawala matapos tumaob ang kanilang sinasakyang bangka.

Sa huling ulat ng local media sa Thailand ay sinabing mayroong bangkay ng isang lalaki na may suot na life jacket ang narekober ng mga otoridad.

Unang inulat ng mga pulis na 90 sa mga pasahero ng nasabing sasakyang pandagat ang na-rescue at pito naman ang nawawala. Ngunit makalipas ang ilang oras ay binawi ito, at sinabing 49 nga ang nawawala hanggang sa ngayon.

Samantala, isa pang bangka ang tumabo sa Phuket kung saan 39 na mga Chinese at European tourists ang na-rescue.

Kasalukuyang nakararanas ng malakas na bugso ng hangin ang katimugang bahagi ng Thailand, na posibleng nagdulot ng pagtaob ng bangka.

Ayon sa mga otoridad ng Thailand, inaasahan ang masamang panahon, kabilang ang mabigat na pag-uulan at malakas na bugso ng hangin, na mararanasan hanggang sa Martes ng susunod na linggo.

Read more...