Duterte tiwalang kayang lusubin ng Pilipinas ang China sa 4001

Naniniwala si Pangulong Rodrigo Duterte na kakayanin na ng Pilipinas na lusubin ang China pero ito ay sa taong 4001.

Sa talumpati ng pangulo sa anniversary ng Office of the Solicitor General (OSG) sa Pasay City, sinabi nito na sa ngayon, hindi pa kakayanin ng Pilipinas na makipag-giyera sa China kaugnay sa pinag-aagawang isla sa South China Sea.

Sinabi pa ng pangulo na sa ngayon, hahayaan na muna ang China at hindi na muna kokomprontahin.

Iginiit pa ng pangulo na naglalaro muna siya ng baraha ngayon.

Pero pagsapit aniya ng taong 4001 at matigas na ang Pilipinas, maari nang lusubin ang China at kunin na ang langis sa South China Sea.

“Naglalaro ako ng baraha dito, wala man rin akong magawa, dito muna ‘yang China. ‘Pag year 4001, tigas na tayo, invade natin ‘yung China, kunin natin ‘yung oil natin. By that time, i-straw mo, wala na. Maski bunbon (Bisaya for sand).” pahayag ni Duterte.

Read more...