Halos 1,000 pamilya ang pansamantalang nananatili sa evacuation center sa Kabacan, Cotabato.
Batay sa ulat, pinalikas ang mga apektadong pamilya dahil sa pagtaas ng lebel ng tubig ng isang ilog bunsod ng naranasang malakas na buhos ng ulan, Miyerkules ng gabi.
Agad inilakas ang mga residente mula sa tatlong low-lying areas dahil dito.
Sa bayan ng Makilala naman, apektado rin ang mga residente sa ilang low-lying areas din ang binaha dahil pa rin sa malakas na pag-uulan.
Sa taas ng tubig-baha, malapit ng maabot ang national highway ng naturang munisipalidad.
Inabisuhan naman ng mga alkalde ng nasabing dalawang bayan na agad lumikas para sa kanilang kaligtasan.
MOST READ
LATEST STORIES