Isa patay sa aksidente sa CAVITEX

Inquirer file photo

Patay ang isang pahinante nang tumaob ang isang closed van sa southbound lane ng Manila-Cavite Expressway (CAVITEX).

Nawalan umano ng control ang sasakyan habang binabagtas ang pakurbadang bahagi ng Bacoor-Las Pinas Exit.

Mariin naming itinanggi ng driver ng van na nakatulog siya at sa halip ay ikinatwiran nitong madulas ang kalsada kasunod ng naranasang pag-ulan sa lugar.

Nabatid na nagpa-gewang-gewang pa ang sasakyan bago ito tumaob kaya tumalon ang pahinante pero nadaganan pa rin ng van.

Nagdulot ng pagsisikip sa daloy ng trapiko ang pangyayari.

Samantala, nahaharap sa kasong reckless imprudence resulting in homicide ang driver ng van.

Read more...