Leptospirosis outbreak, idineklara sa ilang lugar sa Metro Manila

Inquirer file photo

Idineklara ng Department of Health (DOH) ang pagkakaroon ng Leptospirosis outbreak sa ilang lugar sa Metro Manila.

Kasunod ito ng pagtaas ng bilang ng kaso ng Leptospirosis.

Partikular na idineklara ang Leptospirosis sa mga sumusunod na barangay:

Sa Quezon City
– Bagbag
– Bagong Silangan
– Batasan Hills
– Commonwealth
– Novaliches Proper
– Payatas
– Pinyahan
– Vasra

Sa Taguig City
– Lower Bicutan
– Western Bicutan
– Maharlika Village
– Signal Village

Sa Parañaque City
– BF Homes
– San Dionisio

Mayroon na ring outbreak ng Leptospirosis sa Pinagbuhatan, Pasig City; North Bay Boulevard South, Navotas City; Addition Hills, Mandaluyong City at Concepcion, Malabon City.

Isinisi ito ni Health Secretary Francisco Duque III sa hindi tamang pagtapon ng basura na nagdudulot ng mga pagbaha kaya naglalabasan ang mga daga. Aniya, dumami ang mga kaso ng Leptospirosis sa gitna ng mga malakas na pag-ulan na nagdulot ng mga pagbaha.

Ang Leptospirosis ay impeksyon na nakukuha sa ihi ng mga hayop, gaya ng daga.

Sa Metro Manila, naitala ng DOH ang 234 kaso sa 1,030 kaso mula January 1 hanggang July 1. Sa 99 na namatay sa leptospirosis, 38 nito at nasa Metro Manila.

Read more...