Kagawad at menor de edad arestado sa Bulacan

Arestado ang kauupo pa lamang na kagawad ng Sangguniang Kabataan (SK) at isa pang menor de edad makaraang ireklamo ng panggagahasa ng isang dalagita sa Malolos City, Bulacan.

Sa imbestigasyon ng pulisya, nagkakilala ang suspek at ang 16-anyos na biktima sa pamamagitan ng Facebook.

Noong July 3 ay nagkita ang dalawa sa bahay ng kabarkada ni alyas “Joey” dahil may plano ang kagawad na ligawan ang dalagita.

Dito na raw nagkayayaan para mag-inuman kasama ang iba pang barkada ni alyas “Joey.”

Pero ikinatwiran ng SK Kagawad na walang nangyaring gang rape bagaman hindi niya itinanggi na nahawakan niya ang katawan ng babae.

Hinahanap pa ang 2 kasama ng mga suspek na mahaharap sa kasong paglabag sa Special Protection of Children Against Abuse, Exploitation and Discrimination Act.

Dahil sa pagiging menor de edad ng mga suspek, dadalhin sila sa Department of Social welfare and Development (DSWD).

Read more...