4 NPA members, patay sa engkwentro sa CamSur

Patay sa engkwentro ang apat na hinihinalang myembro ng New People’s Army sa Jose Panganiban, Camarines Norte.

Ayon sa Southern Luzon Command, nakasagupa ng apat na rebelde ang 9th Infantry Battalion.

Wala namang nasugatan o nasawi sa panig ng militar.

Narekober sa mga nasawing rebelde ang isang AK-47 assault rifle, dalawang M16 rifle, isang M14 rifle, dalawang grenade launchers, at dalawang improvised explosive device.

Read more...