Natagpuan na lamang na wala nang buhay ang isang taxi driver sa Mindanao Avenue, Project 6, Quezon City.
Ang 64-anyos na drayber ng taxi na may plakang UWB-861 ay pumarada sa isang gasolinahan alas-sais pa kagabi.
Bandang alas-11 ay kinatok ito ng gasoline boys at nakitang hindi na ito gumagalaw.
Itinawag na sa mga pulis at baranggay ang insidente.
Hinihinalang binangungot o inatake sa puso ang drayber na sa ngayon ay kasalukuyan pang inaalam ng awtoridad.
MOST READ
LATEST STORIES