Pilipinas kabilang sa farewell concert tour ng Boyzone

Bago tuluyang maghiwa-hiwalay ang 90s Irish boy band na Boyzone ay magtatanghal muna sila sa Pilipinas bilang bahagi ng ika-25 anibersaryo bilang isang banda.

Ito ang kinumpirma ng Ovation Productions sa kanilang official Twitter account.

Ayon sa nasabing promoter, magsisimula ang bentahan ng tickets ngayong araw at magaganap ang mismong pagtatanghal sa August 26 sa MOA Arena sa Pasay City.

Nakasaad rin sa Twitter post ng Ovation Prodictions na ang naturang pagtatanghal ay bahagi ng kanilang Boyzone Farewell Tour at pagkatapos nito ay tuluyan na silang magdi-disband.

Ang mga miyembro ng nasabing boy band ay sina Ronan Keating, Keith Duffy, Mikey Graham, at Shane Lynch.

Kabilang sa kanilang mga hit songs ang “Everyday I Love You,” “Love Me for a Reason,” at revival ng “Father and Son” at “What a Wonderful World.”

Read more...