Mahigit 400 basyo ng bala nakumpiska sa NAIA

MIAA

Kinumpuska ng mga otoridad ang nasa 416 basyo ng kalibre 38 baril mula sa isang hindi kinilalang Pinay na pasahero sa Ninoy Aquino Internationa Airport (NAIA) Terminal 2.

Sa report ng Manila International Airport Authority (MIAA), July 2 nang dumating ang Pinay NAIA matapos nitong manggaling sa Honolulu, Hawaii at papunta na ng Laoag, Ilocos Sur.

Matapos dumaan sa x-ray machine ng bagahe ng pasahero ay nakita ng airport personnel na si Dominic Charize Almazan ang tila mga bala na nakasilid sa loob ng isang plastic bag na nasa loob ng nasabing bagahe.

Agad na hinanap ng mga otoridad ang may-ari ng bagahe upang manu-manong buksan at inspeksyunin ang bagahe.

Nang makita ang pasahero at buksan ang kanyang gamit ay doon na tumambad ang mga basyo ng bala.

Depensa umano ng pasahero, pinadala sa kanya ng kanyang kapatid ang kahon kung saan nakalagay ang plastic ng mga basyo ng bala. Ayon umano sa kanyang kapatid, mga damit lamang ang laman nito.

Matapos kumpiskahin ang mga bala ay pinayagan namang makalipad ang Pinay papunta sa Laoag.

Read more...