Duterte: ‘God kill me now o mag-aaway tayo’

‘God kill me now o mag-aaway tayo.’

Ito ang tanging pakiusap ni Pangulong Rodrigo Duterte sa Panginoon kapag nawalan na siya ng kakayahan na makipag-talik.

Ayon sa pangulo, wala na kasi siyang silbi kapag wala na siyang kaligayahan sa mundo.

Dagdag ng pangulo, kahit mag motor-motor o makipagbarilan pa sa mga hold-upper puro porma na lamang ito.

Kasabay nito, sinabi ng pangulo na nakahanda na rin siya na patayin kapag natapos na ang kanyang termino sa 2022 o gantihan ng mga pamilyang kanyang pinatay.

“Ako, dalawang asawa, apat na — ‘di tatlo na lang kasi nag-separate na kami nung isa, bale dalawa na lang naiwan. Kung mawala ‘yan sila lahat, ma’am Gina, sabihin ko talaga — totoo. If at the end of my term wala na akong gawin, blank wall na ako eh… So pag wala nang kaligayahan… Kung wala na ‘yan, I would even tell God, ‘God, kill me now or mag-aaway tayo…’ Please join me, all of you. ‘Yung wala nang silbi, wala nang kalipay [laughter], wala nay kalipay, way kaluoy, walay ligo, ah wala na,” ayon kay Pangulong Duterte.

Read more...