Pinasinungalingan ng Presidential Consultative Committee (Con-Com) ang kumakalat na kopya umano ng panukalang federal constitution.
Ayon kay Con-Com spokesman Ding Generoso, peke ang kumakalat na koppya sa social media.
Ang naturang pekeng dokumento ay may 82 pahina at naka-upload sa Google Drive.
Sinabi ni Generoso na walang ipino-post na anumang dokumento ang Con-com.
Ipinaliwanag ng opisyal na pinaplantsa pa ang grammar at istilo ng panukala at kapag naayos na ito ay saka pa lamang nila isasapubliko.
Aniya, ilalabas nila sa publiko ang balangkas ng panukalang Federal Constitution matapos maisumite kay Pangulong Rodrigo Duterte sa July 8.
Kahapon inapurbahan ng 22 miyembro ng Con-Com ang balangkas ng panukalang Federal Constitution.