12 MMDA personnel nagpositibo sa drug test

Nagpositibo sa paggamit ng shabu ang 12 tauhan ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) ayon kay General Manager Jojo Garcia.

Kaagad namang sinibak sa posisyon ang anim sa nasabing mga personnel ng MMDA.

Sinabi ni Garcia na isinagawa ang surprise drug test noong May 22 hanggang 24 at June 5.

Tinatayang 1,000 empleyado ng MMDA ang sumailalim dito sa biglaang drug test.

Nauna nang sinabi ng pamunuan ng MMDA na magpapatuloy ang paglilinis sa kanilang hanay para tiyaking drug-free ang kanilang pwersa.

Hinimok rin ni Garcia ang publiko na isumbong sa kanilang tanggapan kapag sila’y may impormasyon kaugnay sa mga kawani ng MMDA na gumagamit ng droga.

Read more...