LOOK: Mga kanseladong flights sa NAIA ngayong Miyerkules, July 4

Kanselado ang apat na domestic flights sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) ngayon Miyerkules, July 4.

Batay sa abiso ng Manila International Airport Authority (MIAA), kinansela ang CebGo flights na DG 6009 at 6010 maging ang DG 6151/6152.

Parehong may biyaheng Manila – Basco – Manila ang mga naturang flight.

Ayon sa MIAA, ito ay bunsod ng umiiral na sama ng panahon.

Pinayuhan naman ng MIAA ang mga maaapektuhang pasahero na makipag-ugnayan sa airline company para sa rebooking at refund ng kanilang flight.

Read more...