Biker, patay matapos mabangga ng truck sa Quezon

Dead-on-the-spot ang isang 61 taong gulang na biker matapos mabangga ng isang truck sa Mauban, Quezon.

Ayon kay Chief Insp. Rodelio Calawit, hepe ng Mauban police, naganap ang aksidente sa Barangay Cagsiay 2 bandang 8:50, Miyerkules ng umaga.

Sakay ng kaniyang mountain bike, binabagtas ng biktimang si Cristobal Zubieto ang pakurbang bahagi ng highway nang aksidenteng mabangga ng paparating na Isuzu Forward truck.

Dahil dito, tumalsik si Zubieto at nagtamo ng severe body injuries.

Sa ngayon, nakadetine na ang truck driver na si Fernando Pureza sa Mauban police jail.

Read more...