3 pang reklamo ng sexual assault vs Kevin Spacey, iniimbestigahan na

Inquirer file photo

Iniimbestigahan na ng Scotland Yard ang tatlong bagong reklamo ng sexual assault laban sa Hollywood actor na si Kevin Spacey.

Kinumpirma ng pulisya ang nasabing mga reklamo kasunod ng paglutang ng mga biktima.

Noong February 8, isang lalaki ang lumapit sa pulisya para sabihin na biktima siya ni Spacey noong 2008 na nangyari aniya sa Lambeth, isang distrito sa London.

February 14 naman ng lumutang ang isa pang lalaki para sabihin na inabuso siya ng actor noong 2013 na nangyari naman sa syudad ng Gloucester.

Isa pang lalaki ang nagreklamo ng pang-aabuso na nangyari naman noong 1996 sa Westminster.

Sa kabuuan, umaabot na sa anim na reklamo ng sexual assault ang ini-imbestigahan ng pulisya laban sa actor.

Si Spacey ay naging artistic director ng Old Vic Theatre sa loob ng 11 taon.

Noong Nobyembre, inihayag ng board of trustees ng Old Vic na nasa 20 kalalakihan ang may reklamo sa aktor kasunod ito ng paglalabas nila ng public apology.

Read more...