Ayon kay Presidential spokesman Harry Roque, walang pre-agreed agenda na inihanda para sa nakatakdang pagkikita ng dalawa.
Ordinaryong meeting at hindi special meeting ang mangyayari sa dalawa dahil bukas naman ang linya ng komunikasyon ng pangulo at ni Valles.
Magkaibigan at magkababayan aniya ang turingan ng dalawa.
Naniniwala naman si Roque na mas mapagtutuunan ng pansin sa nakatakdang dayalogo ang mga nakaraang naiulat na insidente ng pagkakapatay sa ilang alagad ng simbahan.
Ito aniya ang pangunahing dahilan kung bakit naitakda ang pagkikita sa Lunes at hindi naman tungkol sa naging pahayag kamakailan ni Pangulong Duterte na estupido ang Diyos.