1 sundalo patay, 1 sugatan sa engkwentro sa Maguindanao

Inquirer file photo

Patay ang isang sundalo habang isa pa ang sugatan makaraan ang magkasunod na bakbakan sa pagitan ng tropa ng pamahalaan at Bangsamoro Islamic Freedom Fighters (BIFF) sa Maguindanao.

Ayon sa 6th Infantry Division Public Affairs Office ng Philippine Army, nakasagupa ng 57th Infantry Battalion ang rebeldeng grupo sa Barangay Pamalian, Shariff Saydona Mustapha bandang 3:30, Martes ng hapon.

Maliban dito, sinundan pa ito ng panibagong sagupaan kung saan nakaharap ng militar ang humigit-kumulang 20 miyembro ng BIFF ang lumaban sa militar.

Dito na napatay ang isang sundalo at nasugatan ang isa pa.

Ayon kay Joint Task Force Central commander Brig. Gen. Cirlito Sobejana, tunay na isasakripisyo ng mga sundalo ang kanilang buhay para matiyak ang kaligtasan ng mga sibilyan.

Read more...