Natagpuang patay ang isang batang balyena sa dalampasigan ng Bacacay, Albay.
Ayon kay Nonie Enolva, tagapagsalita ng Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR) sa Bicol, may habang 4.2 metro at bigat na 700 kilo ang batang Bryde’s whale.
Sinabi ni Enolva na gutom kasunod ng pagkalunod ang sanhi ng pagkamatay ng balyena, batay sa necropsy na isinagawa ng BFAR.
Ayon kay Enolva, wala namang indikasyon na may foul play sa pagkasawi nito.
Aniya, umaasa sa breastfeeding ang batang balyena at posibleng nahiwalay ito sa kanyang ina.
Ililibing ang balyena sa cetacean cemetery ng BFAR sa Bula, Camarines Sur.
MOST READ
LATEST STORIES