139 patay sa AIDS-HIV sa unang apat na buwan ng 2018

Inquirer file photo

Nakapagtala ang Department of Health (DOH) ng 139 namatay dahil sa AIDS at HIV sa unang apat na buwan ng taon.

Ayon sa kagawaran, noong buwan lang ng Abril, 66 ang namatay at ang lahat ng mga ito ay mga lalaki.

Sa datos na inilabas ng kagawaran, mula noong Enero hanggang Abril, nakapagtala ng 3,730 bagong kaso ng HIV.

Sa naturang bilang, 3,553 at lalaki habang 177 naman ay babae.

Base pa rin sa datos, 32% ng mga bagong kaso ay mula sa Metro Manila, 17% sa Calabarzon at 10% sa Central Luzon, 9% sa Central Visayas at sinundan ng Region 11 kung saan naitala ang 7%.

Malaking porsiyento ng mga nasawing lalaki ay bunga ng pakikipagtalik ng lalaki sa kapwa lalaki.

Ang edad ng mga nasawi ay mula 15 hanggang 34.

Read more...