DILG, hinikayat ang local officials na makipag-ugnayan sa pulisya

Inquirer file photo

Hinikayat ni DILG Secretary Eduardo Año ang mga lokal na opisyal na humingi ng tulong sa mga otoridad kung sila ay nakakatanggap ng banta sa kanilang buhay.

Ito ay matapos ang magkasunod na insidente ng pagpatay kina Tanauan, Batangas City Mayor Antonio Halili at Gen. Tinio, Nueva Ecija Mayor Ferdinand Bote.

Sa isang panayam, sinabi ni Año na hindi nakipag-ugnayan sa pulisya si Halili sa kabila ng mga natatanggap na death threats.

Handa naman aniya ang pulisya na tumulong sa pag-aanalisa ng death threats para malaman kung totoo ba o hindi.

Maliban kay Halili, binanggit din ni Año ang pagpatay kina Ozamis City Mayor Reynaldo Parojinog, Albuera City Mayor Rolando Espinosa at Datu Saudi Ampatuan Mayor Sumsudin Dimaukom na napaulat namang kabilang sa narcolist.

Samantala, sinabi naman ni Año na hindi kabilang si Bote sa drug watch list ng pamahalaan.

Read more...