Ipinahayag ni AFP spokesman Colonel Edgard Arevalo na nakalap nila ang impormasyon batay sa mga dokumentong narekober ng mga sundalo. Aniya, kinumpirma rin ito ng mga sumukong myembro ng New People’s Army.
Gayunman, hindi na tinukoy ni Arevalo kung saan narekober ang mga ito. Tiniyak ng AFP na tunay ang mga impormasyong nakakap nila sa mga komunsitang rebeldeng nagbalik-loob sa pamahalaan.
Ayon kay Arevalo, nabuo ang plano ng NPA sa mga panahong pansamantalang itinigil ang mga operasyon dahil sa tigil-putukan.
Itinanggi naman ng opisyal na idetalye ang umano’y plano ng NPA na pagpapatalsik kay Duterte.
Ipinahayag ito ng AFP kasunod ng pag-anunsyo na irerekomenda nito sa Pangulo na wakasan na ang usapang pangkapayapaan sa mga rebeldeng komunista.