61-anyos na lalaki patay matapos mabangga ng truck sa Quezon

Patay ang isang lalaking nagbibisikleta nang mabangga ng isang truck sa Mauban, Quezon.

Sa ulat ng Municipal Disaster Risk Reduction and Management Office ng Mauban naganap ang aksidente sa Barangay Polo.

Sakay ng kaniyang bisikleta ang 61 anyos na hindi pinangalanang lalaki nang ito ay mabangga ng forward truck.

Ayon sa MDRRMO matinding pinsala sa ulo at bali sa dibdib ang ikinasawi ng biktima.

Patuloy pa ang imbestigasyon ng Mauban Police Station sa naturang insidente.

Read more...