Napatay na mayor sa Nueva Ecija wala sa narco list ni Pangulong Duterte

Wala sa narco-list ni Pangulong Rodrigo Duterte ang pinatay na mayor ng General Tinio, Nueva Ecija na si Ferdinand Bote.

Ito ang ginawang paglilinaw ng Palasyo ng Malakanyang matapos barilin at patayin kahapon si Bote.

Gayunman, sinabi ni Presidential Spokesman Harry Roque na kilalang taga-suporta ng pangulo si Bote.

Una rito sinabi ni Senador Koko Pimental na kapartido nila ni Pangulong Duterte sa Partido Demokratiko Pilipino o PDP-Laban si Bote.

Read more...