Sarangani, niyanig ng magnitude 5.8 na lindol

Tumama ang magnitude 5.8 na lindol sa Sarangani ngayong gabi.

Sa Earthquake Information 1 ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology (PHIVOLCS), naitala ang malakas na lindol alas 6:00 ng gabi.

Ang lokasyon ng lindol ay sa Silangan ng Malungon, Sarangani.

May lalim ang lindol na 103 kilometers at tectonic ang origin nito.

Naramdaman naman ang Intensity IV sa Mati City at Davao City.

Wala namang inaasahang pinsala at aftershocks bunsod ng lindol.

Read more...